Tuesday, July 9, 2013

6.7 Kwentong Barbero

Parati naman silang nag-aaway ngunit ma-amo talaga yung lalaki. Parati siya ang nakikipagbati at nakikipagayos. Haliparot kasi yung babae eh. Madalas na gabi na umuuwi yung babae at mukhang nakainom. Sabi ng iba naming kapitbahay ay may kabit daw tong babae. Nalaman nung lalaki at tinanong niya ng kalmado ang babae kung totoo nga ba to. Nagalit yung babae at nagwalk-out. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari kundi't nagbigti sa sobrang lungkot tong si lalaki. Pagbalik nung babae, siguro mga sampung minuto bago siya nagsisisigaw. Paglabas niya ng bahay, may hawak na siyang malaking backpack, puno siguro ng damit. Inayos niya siguro yung mga gamit niya para umalis at tila'y parang walang paki-alam na namatay na ang kanyang kasintahan.

No comments:

Post a Comment