Sunday, July 7, 2013

6.5 Trabaho

Nagmadali akong pumunta sa inassign na area sa akin. Napakahimbing ng tulog ko nung gabing iyon at hindi napa-aga ang aking gising. Pagdating ko sa area ko, may naamoy akong napakabaho. Kala ko basura lang dahil may nakatambak na itim na garbage bag sa gilid. Ililipat ko sana malapit kung saan pinipick up ng damtrak yung basurang naipon ko ngunit pagkabuhat ko ay napakabigat nung laman. Naisip ko na hindi to basura't baka may bangkay sa loob. Nang buksan ko ang bag, mas lumakas yung amoy imburnal. Patay na tao nga ang laman nito. Ang bangkay ay lalaking naka all-black at may tama ng bala sa ulo. Nagmadali ako sa police station at nireport ang nakita ko.

No comments:

Post a Comment