Saturday, July 6, 2013

6.4 Bugbog Sarado

Pinara ng mag-asawa yung taxi ko. Di ko masyadong naintindihan yung sinabi nila dahil kinailangan kong dumerecho sa gasulinahan dahil mauubusan na ng gas yung kotse. Parang nagsasagutan na yung mag-asawa sa likod. Nagpaumanhin ako't sumabat sa kanilang sagutan. Tinanong ko sila kung okay lang ba na magpa-gas muna ako at baka tumirik yung kotse sa daan. Pumayag naman yung mister. Nagdahan-dahan akong pumasok sa PTT gas station sa may Regalado. Tinanong ako nung mister kung okay lang ba na jumingle muna siya habang nagpakarga ako ng gas. Wala namang problema yun sa akin. Bumaba si mister at hinablot niya yung kamay ng kanyang misis. Nagpapasama siya pumuntang banyo. Ayaw sumama ng kanyang asawa ngunit hinili niya ang buhok nito. Nang makalabas na ng kotse ang mag-asawa, naunang maglakad si mister at pumasok sa banyo. Sumunod namang pumasok sa banyo si misis. Sinirado ni mister yung pintuan at nagsimula na ang hiyawan. Humingi ng saklolo si misis. Sinubukan naming sirain yung pinto dahil naka-lock ito ngunit ayaw nitong bumigay. Tumila ang mga sigaw ni misis at agad-agad binuksan ni mister ang pintuan. Nagsisisigaw si mister na holdaper daw yung babae kaya niya pinatay at nagmadaling tumakbo ngunit agad kong nakita ang patay na katawan ni misis kaya't hinabol ko si mister. Hindi pa siya nakalayo ng maabutan ko siya. Pinagsususuntok ko si mister dahil ayaw niyang mapakali. Nagtangka pa siyang makawala ngunit ilang suntok ko lang sa kanya ay di na siya gaanong kumibo.

No comments:

Post a Comment