Friday, July 5, 2013

6.3 Patay

Okay, pinatay na nga ako pero ang hinihiling ko lang ay hustisya. Eto namang tatanga-tangang pulis, nahanap na nga yung isang suspekt, ayaw pa niyang hulihin. Eh kung makatakas yun? Sa sistema ng Pilipinas, tiyak ba siya na mahuhuli niya yung tatlo ng sabay-sabay? Sana hinuli na lang niya yung unang suspekt para malaman din niya agad-agad kung sino yung dalawa pa niyang kasama imbis na sa mga testigo pa siya manghahagilap ng impormasyon. Ano ang mapapala niya dun? Hindi na lang siya dumiretso dun sa taong may kilala sa dalawa pang suspekt, kundi yung kilala na nilang suspekt, hindi ba? At nagkakamali ang mga report. Hindi droga ang dahilan sa pagpaslang sa amin ng aking mga pinsan kundi't nagkainitan lang. Lahat kami'y nakainom at lasing. Sino ba ang talo sa labanan ng baril kundi't ang grupong walang armas. Minalas kami nung gabing nun. Sana hindi naman kami malasin sa pagkuha ng hustisya.

No comments:

Post a Comment