Thursday, July 4, 2013

6.2 Droga

Kung tutuusin, mali nga naman talaga ang pagpapasok ng iligal na droga sa ibang bansa. Hindi ko alam kung bakit kinukunsinte to ng gobyerno. Alam kong dapat protektahan ng gobyerno ang bawat Pilipino pero kung mali naman talaga ang ginagawa ng mga Pilipino, paano sila mapoprotektahan ng maayos. Pero sa palagay ko ay hindi lang naman ang mga drug mules ang may kasalanan. Hindi naman sila papayag sa ganung klaseng trabaho kung may maayos na trabaho dito sa Pilipinas. Kung mabibigyan ng gobyerno ang bawat Pilipino ng trabaho, wala nang eskandalong magaganap katulad nito. Wala nang bitay ang magaganap dahil ligal na lahat ng trabaho ng mga Pilipino. Ang hirap nga naman talaga ng buhay. Minsan talaga ay natutulak tayo sa maling direksyon dahil wala nang ibang paraan para matustusan ang ating mga pamilya.

No comments:

Post a Comment