Wednesday, July 31, 2013

10.1 Aling Tining

San kaya ako kukuha ng pang matrikula ni Junior? Pwede pa kaya ako manghiram kay Ma’am Cecile? Hindi. Ang laki na ng utang ko sa kanya. Baka pwede ako bumali kay Sir Philip. Ah hindi rin. Hindi nga makapagpasweldo yun eh. Bat ba kasi dun pa rin ako nagtatrabaho? Bakit hindi na lang ako maghanap ng ibang pagtatrabahuan? Kung sa bagay, wala na rin namang kukuha sa akin. Matanda na ako. Mabagal na rin kumilos. Mahina na rin ang katawan. Siguro swerte na rin ako at kahit pa pano, may trabaho pa rin ako. Naku! Ano na ba ang gagawin ko. Ilang buwan na lang at kailangan na mag-exam ni Junior. Tiyak di siya papakunan ng exam kung wala akong pambayad ng matrikula niya. Diyos ko. Di pa ako makakuha ng tulong sa tatay niya. Katangahan ko lang din at nagpabuntis ako. Eh wala naman akong pera. Swerte na nga siguro ako at napalaki ko ng maayos si Junior. Onti na lang at makakatapos na rin siya ng elementary. Bihira na rin makapagtapos ang mga batang katulad ni Junior na ang mga magulang ay hindi malaki ang sinesweldo. Mag sideline kaya ako? Ay. Ang pangit pakinggan. Parang pokpok lang. Baka pwede ako magtinda ng Avon o ng Natasha. May bumibili pa rin ba nun? Malaki pa rin ba pera dun? Baka walang bumili sa akin. Kanino ka rin naman ibebenta kung ang mga kaibigan ko’y wala ding pera.

No comments:

Post a Comment