Monday, July 8, 2013

6.6 Demonyo't Anghel

Hindi naman ganun si inay dati eh. Mapagmahal at mapag-aruga siya. Ngunit nung lumipat kami sa Project 8, parang may nagbago sa kanya. Hindi na siya ngumingiti. Palagi siyang tulog pag-umaga at sobrang nakakatakot siya pag gabi. Kung anu-ano ang kanyang pinagsasabi. Hindi ko nga maintindihan ang mga sinasabi niya dahil hindi wikang Tagalog ang lumalabas sa kanyang bibig. Hindi rin naman Ingles at hindi rin ibang wikang matatagpuan sa Pilipinas. Nung una, binubugbog lang niya ako. Kinakaya ko naman dahil parati ko na lang iniisip na mahal ako ni inay at baka naninibago lang siya sa bago naming tirahan. Ngunit nung maslumala ang kanyang pananakit, natakot na ako. Parang wala talaga sa sarili si inay. Para ba siyang sinapian ng demonyo. Nung gabing binigti niya ako, parang may bumulong sa aking hindi ko nakikita, sabi nito na magpanggap na lang ako na patay ako. Sinunod ko to. At makalipas ng ilang segundo, nagpakamatay si inay. May sumaklolo sa akin agad-agad. Sa loob-looban ko, sinapian si inay. Ang espiritung nasa katawan niya ay ang may gustong magpapatay sa akin ngunit tilang parang may anghel na tumulong at pumrotekta sa akin.

No comments:

Post a Comment