Wednesday, July 3, 2013

6.1 Aids

Hindi ko naman alam na may sakit pala ako. 35 years old na ako at isa akong bading. Swerte na ako sa kalagayan kong may nagmamahal sa aking binatilyo. Pinakita ko rin ang pagmamahal ko sa kanya sa pamamagitan ng pagtustos sa kanyang matrikula at kung anu-ano pang kailangan niya. Wala naman akong anak para suportahan kaya lahat ng ipon ko napupunta na lang sa aming dalawa. Bigla na lang napadalas ang sakit ko. Nagsimula sa ubo tapos tuluyan na akong masugatan sa iba't ibang parte ng aking katawan. Una, akala ko galis-aso lang ang mga 'to dahil maraming askal sa aming barangay. Ayoko rin sanang isipin na may aids ako dahil ibig sabihin nito, nabigyan ko rin ng sakit ang jowa ko. Nagpatest kaming dalawa, pero ako'y nauna. Pareho kaming positive na may HIV/Aids. Iniwan niya ako. Hindi ko naman siya madadamay. Lahat to'y kasalanan ko. Ang nakakasakit lang talaga ng loob ay nagmahal ako at binigay ko ang buong pagkatao ka sa kanya ngunit ako rin pala ang magiging rason sa kanyang paghiwalay sa akin. Imbis na pagaaruga ang maiibigay ko sa kanya, napakalubhang sakit ang naidulot niya sa akin.

No comments:

Post a Comment