Monday, August 5, 2013

10.6 Bakla!


Bwisit yung baklang yun! Bakit ba kasi niya kailangan ipagkalat na splinuk ko na nagka-keme kami ni Carlo! Wit kaya trulaloo yun! Nakainom at nalasing lang pero hindi ibig sabihin dapat sineseryoso ng mga tao ang mga pinagsasabi ko. Hello noh! Hindi ko na mahal si Carlo. Strong kaya ako! Ano ba tong pinagsasabi ko. Kung strong talaga ako, hindi ko siya dapat iniisip ngayon. Dapat wala na akong paki-alam kung sabihin man ng ibang tao na sinabi ko na nagkaroon kami ng kemehan. Pero baka magalit si Carlo sa akin. Baka isipin niya na pinagkakalat ko na may ganap sa amin pero wala naman talaga. Baka di na niya ako kausapin at hindi na rin niya ako pansinin. Eto na naman ako nagpapakatanga. Kala ko ba strong na ako? Eh ito, siya pa rin laman ng isip at diwa ko. Nakakainis na talaga eh. Di naman ako nagkulang sa kanya. Tinulungan ko siya! I was there for him when he needed me. Siguro nga may pagkukulang ako. Hindi ako isang ganap na babae. Ano bang magagawa ko eh binigyan ako ni Lord ng katawan ng lalaki pero ang puso ko’y nagmamahal parang isang babae. Kailan ko ba matatanggap na hindi bakla ang gusting mahalin ni Carlo. Paulit-ulit ko na lang nasasaktan ang aking sarili pero di pa rin ako madala-dala.

No comments:

Post a Comment