Okay, tangina sobrang bad trip! Paano ko kaya sasabihin kay
mommy? Tangina, di ko naman kasalanan eh pero sigurado ako hindi siya
maniniwala. “Ma, aksidente lang.” NAKU sigurado akong hindi lang batok ang
aabutin ko sa kanya. Maalaga naman ako. Bakit kailangan tong mangyari? Wala na
akong mukhang ihaharap sa mga tao. Maingat akong tao. Ayoko yung nagkakamali
ako o nakakasakit ng sarili o ng ibang tao. Nakakahiya naman to. Paano kaya
kung magpanggap na lang ako na wala akong alam. Maghihintay na lang muna ako
bago niya mapansin. At habang hindi pa niya napapansin pwede pa akong
makapagisip ng pwedeng gawin tungkol sa sitwasyon na ito. “Ma, hindi ko
napansin.” Pwede ko rin sigurong sabihin “Ma, hindi ako ang may kagagawan niyan.”
Hay nako. Sinong niloko ko. Ako naman talaga may kasalanan. Pero aksidente lang
talaga. Hindi ko to gusto mangyari. Hindi ko naman talaga napansin eh. Pero ako
talaga may kagagawan. Ano bang malay ko na may nakalagay dun at naback-up-an
ko. Unang una, hindi ko nakita. Tumingin naman ako sa rearview mirror pati sa
side mirror. Ano bang malay ko? Katangahan talaga to eh. Boljack talaga ang
aabutin ko sa nanay ko. Tiyak mauubusan ng laway yun sa kakasalita at kakasigaw
at kakadada.
No comments:
Post a Comment