“We’re good, right?” What’s that supposed to mean? Ano yun,
parang bati ba kami? Hindi naman kami nag-away. Nagsosorry ba siya or is he
saying we’re even? Hindi ko gets. Ano yung “We’re good, right,” napinagsasabi
niya? Or ibig ba sabihin nun ay okay kami as in bagay kami? Hindi. HINDI PWEDE.
Yuck! Hindi naman siya gwapo. Hindi ko naman siya crush. At sigurado ako. 100%.
Hindi! 250%, hindi niya ako gusto. Hello. Hindi siya ganung kagwapo. Hindi rin
naman ganun kaganda yung ugali niya. Oo, sige, siguro he’s a little bit gwapo.
Parang may Daniel Padilla dating siya. But not the looks! Ugali lang. Ata. Well
mabait siya… Ano ba tong pinagiisip ko. Kakasabi ko nga lang hindi maganda
ugali niya tapos ngayon iisipin ko na mabait siya. Matapobre kaya siya! Purket
nag-aral siya sa isang exclusive school nung high school at ako taga probinsya.
Eh ano ngayon, mabait naman ako. Matalino. Funny. Yuck. Ano ba tong pinagsasabi
ko. Parang sinasabi ko naman na ang pangit ko. Alam mo yung tipong pagtatanungin
ka ng kaibigan mo “Gwapo ba siya?” Tapos sagot mo ay either a) He’s nice, b)
He’s smart or, c) He’s funny. Parang sinabi ko yang lahat tungkol sa akin.
Hindi naman ako pangit. Pero hindi rin naman ako ubod ng ganda. Sakto lang.
Mala-Solenn lang. Chos! Ano ba tong pinagiisip ko. Hindi ko talaga siya crush.
Promise. OA lang siguro ako mag-isip. Ayoko na bigyan ng meaning yang “We’re
good, right” na yan. Pero di ko gets nung sinabi niya, “See you later.” May
date ba kami mamaya? Magkikita ba kami? Like sure ba yun? ….
No comments:
Post a Comment